Mga ekspertong Tsino at Hapones, nagkaroon ng teknikal na diyalogo

2024-04-02 16:27:47  CMG
Share with:

Ipinahayag Abril 1, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang tugon sa isyu ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ng Fukushima Daiichi nuclear power plant, idinaos Marso 30, 2024, sa lunsod Dalian, probinsyang Liaoning ng Tsina, ang konstruktibong diyalogong teknikal ng mga dalubhasa mula sa Tsina at Hapon.

 


Ipinaliwanag ng Hapon ang kaligtasan ng mga emisyon batay sa siyentipikong ebidensya.

 

Ani Wang, ang diyalogong ito ay may kaugnayan sa ilang nakaraang round ng institusyonal na konsultasyon sa pagitan ng mga Direktor-Heneral ng mga Departamento ng Suliraning Asyano ng Ministring Panlabas ng Tsina at Hapon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil