Ika-4 na pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig ng Hapon sa dagat, sinimulan

2024-02-28 15:51:53  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong umaga, Pebrero 28, 2024 ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) ng Hapon ang ika-4 na pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa dagat.

 

Ipinahayag ng TEPCO na ang aksyon ng pagtatapon nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay tatagal hanggang sa darating na Marso 17, 2024 at ang bolyum ng itinatapong tubig ay aabot sa 7,800 tonelada.

 

Noong Agosto ng 2023, isinagawa ng Hapon ang unang beses ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa Pacific Ocean at hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang bolyum ng tubig na itinapon sa dagat ay umabot na sa 23,400 tonelada.

 

Ayon sa plano ng TEPCO, isasagawa pa nito ang 7 round ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat mula Abril 2024 hanggang Mayo 2025 at ang bolyum ng tubig na itatapon sa dagat ay aabot sa 54,600 tonelada.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil