Sa pagtatagpo sa Beijing, Abril 2, 2024, nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Prabowo Subianto, President-elect ng Indonesya at Tagapangulong Heneral ng Great Indonesia Movement Party, ipinahayag ng dalawang panig ang pagpapalalim ng kooperasyon sa maraming larangan.
Ani Li, nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Indonesya para panatilihin ang estratehikong mutuwal na pagtitiwalaan sa mataas na antas, at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na benepisyo, para pasulungin ang mas malalim at mas pragmatikong progreso sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan tungo sa pagsasakatuparan ng mas maraming win-win na resulta at magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ani Li, nais din ng Tsina na palakasin ang pakikipagkomunikasyon at pakikipagtulungan sa Indonesya sa mga multilateral na larangang tulad ng United Nations (UN) at mekanismo ng kooperasyon ng Silangang Asya; magkasamang pangalagaan ang kapakanan ng mga umuunlad na bansa; isulong ang pandaigdigang katarungan at katuwiran; palakasin ang pag-unlad ng pandaigdigang sistema ng pamamahala tungo sa mas makatuwiran at mas pantay na direksyon; at ibigay ang positibong kontribusyon sa rehiyonal at pandaigdigang kinabukasan at katatagan.
Sinabi naman ni Prabowo Subianto, na sa kanyang kauna-unahang pagbisita matapos mahalal bilang pangulo ng Indonesya, nais niyang patatagin ang pagkakaibigan at pagtutulungan, at i-upgrate ang relasyon sa Tsina.
Nakahanda ang bagong pamahalaan ng Indonesya, na aralin ang karanasan mula sa Tsina, lalo pang palalimin ang kooperasyon sa imprastruktura, agrikultura, pagpapahupa ng karalitaan, pamumuhay ng mga mamamayan at berdeng ekonomiya, itatag ang mas malalim na bilateral na relasyon, at ibigay ang positibong ambag para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig, aniya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio