Sa preskon, Abril 2, 2024, sinabi ni Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Presidente ng CMG, na mahigit 200 piraso ng mga obrang gawa ng mga namumunong artistang Tsino ang itatanghal sa Paris, Pransya sa Mayo ng taong ito.
Pinamagatang “From Beijing to Paris: Olympic Tour of Chinese and French Artists," bubukasan sa Les Invalides ang nasabing eksbisyon, at ito’y itataguyod ng China Media Group (CMG), ani Shen.
Bukod diyan, ini-presenta rin niya ang mga appointment letter sa mga espesyal na tagapayo ng eksbisyon.
Samantala, ipinahayag ni Xue Jijun, miyembro ng editorial board ng CMG, na ang taong 2024 ay ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, at ito rin ang taon ng pagbalik ng modernong Olympic Games sa punto ng pagsisimula nito matapos ang isang siglo.
Aniya, layon ng eksbisyon na pasulungin ang diwa ng Olimpiyada at pagpapalitang kultural.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio