UAE, Special Partner Country ng Ik-21 CAEXPO

2024-04-08 16:25:55  CMG
Share with:

Manunungkulan ang United Arab Emirates bilang Special Partner Country ng Ika-21 China-ASEAN Expo (CAEXPO), at ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa isang bansa ng Gulf Cooperation Council (GCC) na maging Special Partner Country.

 

Ani Liang Yiguang, Pangalawang Kalihim ng Sekretaryat ng CAEXPO, ipapadala ng UAE ang delegasyon na pamumunuan ng opisyal sa antas ng pangalawang ministro, at itatayo ang pambansang pabiliyon sa 21st CAEXPO.

 

Ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at UAE.

 

Nitong maraming taong nakalipas, isinasagawa ng dalawang panig ang malawak at malalim na pagpapalitan at pagtutulungan sa puiltika, kabuhayan, kultura at iba pang larangan, at palagiang pinapalakas ang pagpapalitang pangkabuhayan.

 

Dahil dito, nagiging mas mahigpit ang relasyon sa pamumuhunan at kooperasyon sa pagitan ng UAE at mga bansang ASEAN.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio