Komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina’t Biyetnam, patuloy na itatayo

2024-04-08 16:46:40  CMG
Share with:

Sa pakikipagtagpo ngayong araw, Abril 8, 2024, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Vuong Dinh Hue, Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam, sinabi niyang nang bumisita siya sa Biyetnam noong katapusan ng nakaraang taon, magkasama nilang inanunsyo ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam.

 


Ito aniya ay mayroong estratehikong kahalagahan sa pagbubukas ng bagong kabanata sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, isinasakatuparan na ang mga konsensong narating sa nasabing pagtatagpo ng dalawang lider.

 

Hiniling din ni Xi na kailangang magsikap ang dalawang panig para magkaroon ng mas maraming bunga ang pagtatayo ng komunidad na may pinababahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam, tungo sa pagkakaroon ng mas mabuting serbisyo sa modernisasyon ng dalawang bansa, mas maraming benepisyo para sa mga Tsino’t Biyetnames, at pagbibigay ng mas malaking ambag sa pandaigdigang usaping sosyalismo.

 

Nakahanda aniyang palawakin ng Tsina ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala ng partido’t bansa, pasulugin ang konektibidad ng Belt and Road Initiative at Two Corridors at One Economic Circle strategy, palakasin ang pagpapalitan ng mga kabataan at sister cities ng dalawang bansa at iba pa.

 

Ipinahatid niya din ni Xi ang pangungumusta kay Nguyen Phu Trong.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio