FM ng Tsina, nakipagtagpo sa Prinsesa ng Thailand

2024-04-09 15:51:40  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Abril 8, 2024, sa Beijing, si Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Maha Chakri Sirindhorn, dumadalaw na Prinsesa ng Thailand.

 


Pinarating muna ni Wang ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping kay Haring Maha Vajiralongkorn.

 

Ipinahayag ni Wang na ang mahigit 50 beses na pagdalaw ni Prinsesa Sirindhorn ng Thailand sa Tsina ay lubos na nagpapakita ng mahigpit na pagkakaibigan ng dalawang bansa, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na pagkakaibigan sa maharlikang pamilya ng Thailand, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para isakatuparan ang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Thai.

 

Ipinahayag naman ni Prinsesa Sirindhorn ang pagpapahalaga ng maharlikang pamilya sa pagkakaibigang Sino-Thai. Nakahanda aniya ang Thailand na samantalahin ang pagkakataon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon para pasulungin ang pagkakaunawaan at pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil