Kasangguni ng estado ng Tsina, nakipagtagpo kay Prinsesa Sirindhorn ng Thailand

2024-04-08 14:58:20  CMG
Share with:

Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo, Abril 7, 2024 kay Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, lubos na hinangaan ni Shen Yiqin, Kasangguni ng Estado ng Tsina, ang mahalagang ambag ng prinsesa sa pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga mamamayan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Kasama ng panig Thai, nakahanda aniya ang panig Tsino na palaganapin at ipamana ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Thailand, at pasulungin ang malalim at pragmatikong pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Pinarating din niya ang pangungumusta at magandang pagbati ni Pangulong Xi Jinping kay Haring Maha Vajiralongkorn.



Inihayag naman ng prinsesang Thai ang pag-asang mas mapapabuti pa ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, at mapapalakas ang pangmalayuan at masiglang pagkakaibigan.

 

Salin: Vera

 

Pulid: Rhio