Nilagdaan kahapon, Abril 5, 2024 sa Beijing ng China National Space Administration (CNSA) at Ministri ng Higher Education, Science, Research at Innovation ng Thailand ang dalawang memorandum of understanding (MoU) hinggil sa mapayapang paggamit at paggalugad sa kalawakan at kooperasyon ng International Lunar Research Station.
Ayon sa nabanggit na MoU, itatatag ng Tsina at Thailand ang magkasanib na grupo para isagawa ang mga proyektong pangkooperasyon na gaya ng pagpapalitan ng agham, pagsasanay ng mga tauhan, pagpapalitan ng datos at iba pa.
Ayon pa sa pahayag, ang misyon ng Chang’e-7 sa paggalugad ng buwan ay may lulan ng kagamitan ng Thailand sa pagmomonitor ng global space weather na nakatakdang isagawa sa taong 2026.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil