Nakipagtagpo Abril 8, 2024, sa Beijing si Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Chinese Co-Chair of the China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation, kay Tran Luu Quang, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam at Vietnamese Co-Chair of the China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation.
Sinabi ni Wang na ang pagkakatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Biyetnames ay angkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, may malaking kabuluhan sa pagpapabilis ng kani-kanilang konstruksyon ng modernisasyon at pagpapasulong ng sosyalistang usapin.
Ani Wang, kasama ng Biyetnam, nakahandang magsikap ang Tsina para isakatuparan ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, lubos na patingkarin ang papel ng China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation, at pasulungin ang walang humpay na pagkakatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng kapuwa bansa.
Sinabi naman ni Tran na nakahandang magsikap ang Biyetnam, kasama ng Tsina, para kapit-bisig na mapasulong ang komong layunin ng sosyalismo at makamit ang panalu-nalong resulta sa ilalim ng gabay ng pagkakatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Biyetnames-Sino.
Salin:Sarah
Puildo:Ramil