Nagtagpo Martes, Abril 9, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Wesley Simina ng Micronesia.
Tinukoy ni Xi na kasama ng Micronesia, nakahanda ang Tsina na panatilihin ang pagpapalitan at diyalogo sa iba’t ibang antas, at pahigpitin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t ibang larangan na kinabibilangan ng kooperasyon ng Belt and Road, imprastruktura, kultura, kalusugan at edukasyon.
Saad ni Xi na ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang isla sa Pasipiko na gaya ng Micronesia ay hindi nakakatugon sa ikatlong panig at hindi rin dapat panghimasukan ng ikatlong panig.
Nakahanda rin aniya ang Tsina na patuloy na ipagkaloob, hangga’t makakaya, ang mga pagkatig sa pag-unlad ng mga bansang isla sa Pasipiko at isagawa ang mga kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Simina na matatag na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang-Tsina at kinakatigan ang paninindigang Tsino sa mga isyung may kinalaman sa Taiwan, Hong Kong, Xinjiang at Tibet.
Pinasalamatan niya ang mahalagang tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Micronesia at ibang mga bansang isla sa Pasipiko.
Kasama ng Tsina, nakahanda ang Micronesia na palalimin ang kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng kooperasyon ng Belt and Road at magkasamang harapin ang pagbabago ng klima, dagdag ni Simina.
Saad niya na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang isla sa Pasipiko ay nakakabuti sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito, at patuloy at aktibong pasusulungin ng kanyang bansa ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang isla sa Pasipiko.
Pagkatapos ng pag-uusap, nilagdaan ng dalawang bansa ang mga dokumento ng kooperasyon at isinapubliko rin ang magkasanib na pahayag.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil