PLA, isinagawa ang magkasanib na pagsasanay na pandagat at panghimpapawid sa SCS

2024-04-09 15:53:02  CMG
Share with:

Sa isang pahayag na inilabas Martes, Abril 8, 2024, sinabi ni Tian Junli, Tagapagsalita ng Southern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA), na isinagawa, mula noong Abril 7 hanggang 8, ng Southern Theater Command ng PLA ang magkasanib na pagsasanay na pandagat at panghimpapawid sa South China Sea (SCS).

 

Sinabi ni Tian na pinapanatili ng tropa ng theater command ang mataas na estado sa lahat oras, determinadong pinangangalagaan ang seguridad ng pambansang soberanya at mga karapatan at interes ng dagat.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil