Idinaos, Abril 7, 2024, ng Amerika, Hapon, Australia at Pilipinas ang kauna-unahang magkasanib na ensayong militar sa South China Sea (SCS).
Ayon sa ulat, layon ng nabanggit na ensayo na ipakita ang puwersang militar at isagawa ang komprontasyon sa Tsina.
Ibig-sabihin, binabalak at hinihikayat ng Pilipinas ang mga puwersa sa labas ng SCS para makialam sa isyu ng SCS at gawing internasyonal ang hidwaan sa nasabing karagatan.
Sa parehong araw, isinagawa ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army ang magkasanib na patrolya ng hukbong pandagat at hukbong panghimpapawid sa SCS.
Sapul noong 2023, kahit ipinahayag ng Pilipinas ang kagustuhan para sa kapayapaang panrehiyon, madalas nitong isinasagawa ang probokasyon at komprotasyon sa SCS.
Ito ay may mahigpit na kaugnayan sa pagsuporta at pag-uudyok ng mga dayuhang puwersa sa labas ng naturang karagatan na gaya ng Amerika.
Hindi lahat ng Pilipino ang kakatig sa kasalukuyang pakataran ng pamahalaan nito sa SCS.
Ipinahayag ni Senadora Imee Marcos, Tagapangulo ng Komite ng Ugnayang Panlabas ng Senado, na ang kasalukuyang hakbangin ng pamahalaang Pilipino sa pagkontra sa Tsina tutungo sa mapanganib na landas.
Saad pa niya, ang pagtanggap ng Pilipinas sa mga dayuhang pondo at tulong para sa tanggulang pambasa’t seguridad na pandagat ay magiging dahilan ng isang pangmatagalang sagupaan.
Maliban sa Pilipinas, pinagsisikapan ng ibang bansa sa Timog-silangang Asya ang pagpapabuti ng relasyon sa Tsina.
Ito ay nakakabuti sa pangangalaga ng katatagan at kapayapaan, at pagpapasulong ng kooperasyon at integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon.
Sa kabilang dako, ang kasalukuyang patakaran at hakbangin ng pamahalaang Pilipinas ay salungat sa hangarin ng rehiyon.
Ang Pilipinas ay mahalagang kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang kapakanan nito ay hawig sa kapakanan ng buong ASEAN.
Kaya dapat igiit ng Pilipinas ang independiyenteng estratehiya at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan.
Ang kasalukuyang hakbangin at patakaran nito sa SCS ay tiyak na mabibigo.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio