Pangulong Xi, sinagot ang liham mula sa brigada ng pulisya ng kontra-terorismo

2024-04-10 17:00:21  CMG
Share with:

Sinagot kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham mula sa "Falcon Commando Unit," isang mahuhusay na brigada ng pulisya, para hikayatin silang bumuo ng isang world-class na kontra-terorismong yunit ng espesyal na puwersa.

 

Sa kanyang liham, sinabi ni Xi na naaalala pa rin niya ang mga detalye kung paano siya nagbigay ng bandila sa brigada 10 taon na ang nakakaraan, at natutuwa siyang malaman na ang mga miyembro ng brigada ay tagumpay na isinakatuparan ang kanilang misyon sa nakalipas na dekada.

 

Hinimok sila ni Xi na buuin ang mga nakaraang tagumpay, gumawa ng higit pang progreso, tuluy-tuloy na pagyamanin ang kanilang karakter ng katapatan, at palakasin ang tunay na labanan at espesyal na pagsasanay.

 

Noong Abril, 2014, ipinagkaloob ni Xi ang bandila sa "Falcon Commando Unit," isang pangunahing yunit ng kontra-terorismo sa pambansang antas, at naglabas ng mahahalagang tagubilin.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil