Tsina, tinututulan ang pag-uugnay ng programang submarino ng AUKUS sa isyu ng Taiwan

2024-04-10 17:02:30  CMG
Share with:

Gumawa ng mga komento kamakailan si Kurt Campbell, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa pag-uugnay ng programang submarino ng “Trilateral Security Partnership ng Amerika, Britanya at Australia (AUKUS)” sa isyu ng Taiwan.

 


Kaugnay nito, tinukoy Abril 9, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang naturang mga komento ay walang  basehan, mali ang representasyon ng katotohanan sa rehiyon, at naglalaman ng mali, mabisyo at mapanirang mga akusasyon. Lubos hindi nasisiyahan at mahigpit na kinondena ito ng Tsina, aniya.

 

Binigyan-diin ni Mao na ang layunin ng umano’y AUKUS ay para pukawin ang mga dibisyon ng kampo at komprontasyong militar sa pamamagitan ng kooperasyong militar batay sa maliit na sirkulo.

 

Ito ay tipikal na kaisipang Cold War, pinapalala ang karera ng armas sa Asya-Pasipiko, pinapahina ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at malubhang ikinababalisa at tinututulan ito ng Tsina at mga bansang rehiyonal, dagdag pa niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil