Ipinahayag ngayong araw, Marso 25, 2024 ni Chen Binhua, Tagapagsalita ng State Council Taiwan Affairs Office ng Tsina, na mula darating na Abril 1 hanggang 11 ng taong ito, pamumunuan ni Ma Ying-jeou, dating Tagapangulo ng Partido Kuomintang, ang delegasyon ng kabataan mula sa Taiwan ng Tsina, para bumisita sa mga lalawigang Guangdong, Shaanxi at lunsod Beijing ng Chinese mainland.
Ipinahayag ni Chen na isasalubong sa mga taga-Taiwan ang mainit na pagtanggap mula sa Chinese mainland.
Umaasa aniya siyang magkasamang ipagpapatuloy ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait ang tradisyonal na kulturang Tsino at pasusulungin ang pagpapalitan at kooperasyon ng magkabilang pampang sa iba’t-ibang larangan para mapalalim ang pagkakaunawaan at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Embahador ng Pilipinas sa Tsina, pinatawag ng Ministring Panlabas ng Tsina
Pagbebenta ng sandata ng Amerika sa Taiwan, matinding tinututulan ng Tsina
Tsina, hiniling sa Amerika na itigil ang pagbebenta ng armas sa Taiwan
Katotohanan sa insidente ng bapor-pangisda ng mainland, dapat isapubliko ng Taiwan