Chinese mainland, nag-aalala sa kalagayan ng lindol sa Taiwan

2024-04-03 14:14:53  CMG
Share with:

Matapos yanigin ngayong araw, Abril 3, 2024, ng lindol na may lakas na 7.3 sa Richter Scale ang katubigan ng Hualien County, Taiwan ng Tsina, ipinahayag ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, ang lubos na pag-aalala sa kalagayan ng Taiwan, at ipinahayag ang taos-pusong pangungumusta sa mga apektadong kababayan.

 

Patuloy at mahigpit aniyang susubaybayan ng Chinese mainland ang kalagayan ng kalamidad at mga susunod na pangyayari.

 

Nakahandang magkaloob ng tulong ang mainland, aniya pa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio