Ayon sa General Administration of Customs (GAC), sa Ika-8 China-U.S.-EU Trilateral Summit sa Kaligtasan ng Produkto ng Mamimili, Abril 10, 2024, sa Hangzhou, lunsod sa lalawigang Zhejiang, dakong silangan ng Tsina, narating ang bagong komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa kaligtasan ng produkto ng mamimili.
Anang GAC, sumang-ayon ang tatlong panig na itatag ang komong pamantayan, pabutihin ang komong superbisyon, at magpokus sa proteksyon sa karapatan at interes ng mga konsyumer, para mapangalagaan ang kabuuang kaligtasan ng produkto ng mga mamimili.
Sa ilalim ng patnubay ng bagong komong palagay sa paghahanap ng pandaigdigang pamantayan, pagsasama-sama ng mga regulasyon, at pagpapalakas ng pagbabahagi ng impormasyon ng panganib, isasagawa rin anito ang magkasanib na aksyon tungo sa lubos na paggamit ng umiiral na framework ng kooperasyon sa proteksyon sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamimili.
Sa pamamagitan ng koordinadong pamamahala, pasusulungin ng tatlong panig ang kooperasyon sa proyekto, pagpapalitan, seminar at propesyonal na pagsasanay; at palalakasin ang palitan ng mga impormasyon at konsultasyong teknikal sa loob ng framework ng tuluy-tuloy na komunikasyon sa mataas na antas, dagdag ng GAC.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio