Tsina at Amerika, kailangang maging katuwang, sa halip na magkalaban – premyer Tsino

2024-04-08 14:48:47  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Abril 7, 2024 sa Beijing kay Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina na kailangang maging katuwang ang dalawang bansa, sa halip na magkalaban.

 

Saad ni Li, sa ilalim ng estratehikong patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, may tunguhin ng pagtatag ang relasyong Sino-Amerikano.

 

Umaasa aniya siyang magtatagpo sa gitna ang magkabilang panig, ipapatupad ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at isasakatuparan ang San Francisco vision.

 

Diin ni Li, makabuluhan ang pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika para sa sariling pag-unlad at paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 


Dapat aniyang palakasin ng kapuwa panig ang pag-uugnayan, igiit ang pundamental na norma ng market economy na may patas na kompetisyon, pagbubukas at pagtutulungan, at huwag gawing isyung pampulitika at panseguridad ang isyung pangkabuhaya’t pangkalakalan.

 

Ang pag-unlad ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina ay magbibigay ng importanteng ambag sa transpormasyon ng berde’t mababang karbong pag-unlad ng mundo, dagdag ng premyer Tsino.

 

Inihayag naman ni Yellen na ayaw ng panig Amerikano ang pagkalas sa Tsina.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang panig Amerikano na ipatupad ang mahahalagang komong palagay na narating sa pagtatagpo ng dalawang pangulo sa San Francisco, at pasulungin ang matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio