Artikulo ni Xi hinggil sa pangangalaga sa pamanang kultural, isasapubliko

2024-04-15 16:08:49  CMG
Share with:

Isasapubliko, Abril 16, 2024 sa ika-8 isyu ng Qiushi Journal, pangunahing babasahin ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pangangalaga at pagpapatuloy sa pamanang kultural, at pagpapatingkad ng mahusay na tradisyonal na kulturang Tsino.

 

Ayon kay Xi, ang pamanang kultural at mga relikya ay di-mapapanibago at di-mahahalinhang yaman ng sibilisasyong Tsino, kaya dapat komprehensibong pataasin ang antas ng pangangalaga at paggamit sa mga relikya, at pag-ibayuhin ang pangangalaga upang maipamana sa susunod na henerasyon ang mga ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio