Isang pangkagipitang pulong ang idinaos, Abril 14, 2024 ng United Nations Security Council (UNSC) kaugnay ng pag-atake ng Iran sa Israel.
Sa kanyang talumpati, hinimok ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang iba’t-ibang panig na panatilihin ang pinakamalaking pagtitimpi.
Aniya, nahaharap ang Gitnang Silangan sa panganib ng komprehensibong sagupaan.
Dagdag ni Guterres, ipinagbabawal ng Karta ng UN ang paglapastangan sa kabuuan ng teritoryo at pagsasariling pulitikal ng anumang bansa sa pamamagitan ng dahas.
Pinoproteksyunan din aniya ng pandaigdigang batas ang di-paglapastangan sa mga lugar ng embahada at kinaroroonan ng mga personaheng diplomatiko at konsular.
Hinimok ni Guterres ang iba’t-ibang panig na iwasan ang anumang aksyong posibleng humantong sa malawakang sagupaang militar.
Isinasabalikat ng komunidad ng daigdig ang komong responsibilidad ng pagtigil sa karahasan sa kanlurang pampang ng ilog Jordan, pagpapahupa ng maigting na kalagayan sa purok-hanggahan ng Israel at Lebanon, at muling paggarantiya sa ligtas na nabigasyon sa Red Sea, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio