Muling sinuri Lunes, Abril 8, 2024 ng United Nations Security Council (UNSC) ang aplikasyon ng Palestina sa pagiging pormal na kasapi ng UN, at ipinasiya nitong isumite ang aplikasyong sa Committee on the Admission of New Members.
Ang naturang komisyon ay binubuo ng 15 kasapi ng UNSC, at sinimulang talakayin ang aplikasyong ito Lunes ng hapon.
Isusumite ang konklusyon nito sa UNSC, at ipapasiya ng UNSC na kung gagawin o hindi ang rekomendasyon sa Pangkalahatang Asambleya ng UN.
Isang liham ang ipinadala, Abril 2, ng pirmihang tagamasid ng Palestina sa UN kay Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, kung saan humihiling na muling suriin ang aplikasyon sa pagsapi sa UN na iniharap ng Palestina noong 2011.
Salin: Vera
Pulido: Ramil