Mga aktibidad kaugnay ng Pambansang Araw ng Edukasyong Panseguridad, itinaguyod sa iba’t ibang lugar ng Tsina

2024-04-16 15:19:12  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagharap ng pangkalahatang konsepto ng pambansang seguridad.

 

Sa bisperas ng ika-9 na Pambansang Araw ng Edukasyong Panseguridad ng Tsina, Abril 15, 2024, itinaguyod ng magkakaibang departamento ng iba’t ibang lugar ng bansa ang makukulay na aktibidad, para pasulungin ang pagkaka-ugat sa puso ng mga Tsino ng pangkalahatang konsepto ng pambansang seguridad.

 


Ang kabataan ay kinabukasan ng bansa. Nitong nakalipas na ilang araw, sa pamamagitan ng mga pormang kinagigiliwan nila, pinatnubayan ng iba’t ibang lugar ang mga bata’t kabataan na buuin ang ganitong konsepto, at sanayin ang kanilang kaisipan ng pangangasiwa alinsunod sa batas at kamalayan sa seguridad.

 

Batay sa aktuwal na kalagayan at katangiang lokal, mapanlikha ang porma ng mga aktibidad ng ilang lalawigan, upang pataasin ang bisa ng edukasyong panseguridad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil