Kauna-unahang komperensya ng CCG at Pambansang Komisyon ng Seguridad na Pandagat ng Kambodya, ginanap

2024-04-02 16:26:35  CMG
Share with:

Ginanap Lunes, Abril 1, 2024 sa Beijing ang kauna-unahang komperensya sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at Pambansang Komisyon ng Seguridad na Pandagat ng Kambodya.

 

Muling binasa sa komperensya ng kapuwa panig ang mga estratehikong komong palagay ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa, sinariwa ang kooperasyon nila noong nakaraan, isinagawa ang malalimang pag-uugnayan at pagpapalitan tungkol sa pagtatatag ng mekanismo ng kooperasyon at pagsasagawa ng pragmatikong kooperasyon sa susunod na hakbang, at narating ang malawakang komong palagay.

 

Pagkatapos ng komperensya, bibisita ang delegasyong Kambodyano sa sangay ng CCG sa Guangzhou.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil