Makabagong pagbabago ng Tsina, nakita ni Chancellor Scholz sa kanyang ika-3 pagbisita sa Shanghai

2024-04-16 15:27:17  CMG
Share with:

“Noong 2011 at 2015, dalawang beses nang bumisita ako sa Shanghai, at nagsilbing matagal na kaibigan dito. Sa kasalukuyang biyahe sa Shanghai, nakita ko ang mga makabagong pag-unlad at pagbabago ng Tsina. Napakahalaga ng kooperasyong Aleman-Sino para sa kinabukasan ng buong mundo.”

 

Winika ito ni Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya pagkatapos ng kanyang ika-3 pagbisita sa Shanghai ng Tsina, Abril 15, 2024.

 


Sa halos 10 oras na pananatili sa lunsod na ito, nakipagpalitan siya sa mga estudyante ng Tongji University, bumisita sa Asia-Pacific innovation center ng Covestro, isang kompanyang may puhunang Aleman, at naglakad sa Bund.

 

Saad ni Scholz, ang kooperasyong Aleman-Sino ay hindi lamang naging ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa, kundi may kinalaman din ito sa kinabukasan ng buong mundo.

 

Kailangang ibayo pang palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pananaliksik at pag-unlad ng inobatibong teknolohiya, pagbabago ng klima, paggagalugad ng renewable energy, kalakalan at pamumuhunan, at iba pa.

 

Dumating nang araw ring iyon si Scholz sa Chongqing para pasimulan ang kanyang 3-araw na pagdalaw sa Tsina.

 

Lumisan siya ng Shanghai papuntang Beijing kagabi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil