Pagpapalitang tao-sa-tao, masigla at pangmatagalang bahagi ng relasyong Sino-Pilipino – Embahadang Tsino sa Pilipinas

2024-04-18 15:24:28  CMG
Share with:

Kaugnay ng sinabi kamakailan ni Congressman Joseph Lara na banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas ang mga estudyanteng Tsino, ipinahayag ngayong araw, Abril 18, 2024 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na ang Tsina at Pilipinas ay magkapitbansa na may malakas na ugnayang kultural, mainam na relasyon ng mga mamamayan, at ang pagpapalitang pangkultura at tao-sa-tao ay pinakamasigla at pangmatagalang bahagi ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang bansa sa edukasyon para palalimin ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan at i-promote ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagpapalitan ng dalawang panig, dagdag nito.

 

Subalit mayroon anitong ilang pulitikong Pilipino, na inu-udyukan ang isyung pandagat ng Tsina at Pilipinas, labis na pinalalaki ang pagkakaiba sa dagat, at pinipinsala ang kooperasyon ng dalawang bansa sa katuwiran ng pambansang seguridad.

 

Ito ay para sa sariling kapakanan at hangad sa pulitika, anang embahada.

 

Ipinahayag din ng Embahadang Tsino, na ang walang batayang pagpuna sa pagpapalitan ng kultura ng Tsina at Pilipinas ay isa pang aksyong nakakapukaw sa pagduda at pagkagalit sa Tsina.

 

Ipinalalagay ng mga Pilipinong may bukas na pag-iisip, na kung magpapatuloy ang ganitong aksyon, muling lilitaw sa Pilipinas ang di-umanoy “McCarthyism,” kaya dapat panatilihin ang pagmamatyag sa ganitong aksyon at matatag itong tutulan, anang emabahada.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio