Tsina at Indonesia, pasusulungin ang komprehensibong estatehikong partnership sa bagong antas

2024-04-19 15:15:50  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo Huwebes, Abril 18, 2024 sa Jakarta, Indonesia nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Prabowo Subianto, bagong halal na Pangulo ng Indonesia, sinang-ayunan ng Tsina at Indonesia na magkasamang magsikap para pasulungin ang kanilang komprehensibong estatehikong partnership sa bagong antas.


Sinabi ni Wang na sinusuportahan ng panig Tsino ang pagganap ng Indonesia ng mas malaking papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at kasama ng Indonesia, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang koordinasyon at kooperasyon para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.


Ipinahayag naman ni Prabowo na umaasa siyang patuloy na pasusulungin ang bilateral na estratehiyang kooperasyon sa mas mataas na antas at patataasin ang bilateral na relasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil