Premyer Tsino: Dapat gampanan ng Canton Fair ang mas malaking papel para sa pagbubukas sa labas ng Tsina

2024-04-19 14:53:28  CMG
Share with:

Sinabi Huwebes, Abril 18, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat gampanan ng China Import and Export Fair o mas kilala sa tawag na Canton Fair ang mas malaking papel para sa pagpapalawak ng de-kalidad na pagbubukas sa labas ng Tsina at pagpapasulong ng konstruksyon ng bukas na kabuhayang pandaigdig.


Winika ito ni Li habang bumibisita sa pagtatanghal ng kasaysayan ng Canton Fair sa Guangzhou ng lalawigang Guangdong ng dakong timog ng Tsina.


Binisita rin niya ang mga puwesto ng mga lumahok na bahay-kalakal sa ika-135 Canton Fair.


Hinikayat ni Li ang mga bahay-kalakal na patuloy pang palakasin ang kanilang kakayahan sa pananaliksik at pagpapaunlad at magsikap tungo sa didyital, matalino at berdeng pagbabago.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil