Xi Jinping, ibinigay ang bandila sa bagong tatag na Information Support Force ng PLA

2024-04-20 17:57:20  CMG
Share with:

 

Sa seremonya ng pagkakatatag ng Information Support Force ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na idinaos kahapon, Abril 19, 2024, sa Beijing, ibinigay ni Pangulong Xi Jinping ang bandila sa tropang ito.

 

Sinabi ni Xi, na ang Information Support Force ay bago at estratehikong sangay ng PLA, at mahalaga ito para sa modernisasyon ng tanggulang bansa at sandatahang lakas ng Tsina.

 

Binigyang-diin din niya ang mga pagsisikap para maging malakas at modernisado ang naturang tropa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos