2024 Zhongguancun Forum, binuksan sa Beijing

2024-04-25 18:46:03  CMG
Share with:

Binuksan Huwebes, Abril 25, 2024 sa Beijing ang 2024 Zhongguancun Forum.

 

Pag-uukulan ng pansin ng 5-araw na porum ang prontera ng mga teknolohiya na gaya ng artificial intelligence, siyensiya ng buhay, at mga bagong materyales.

 

Sa ilalim ng temang “Inobasyon para sa Mas Magandang Daigdig,” may limang pangunahing bahagi ang kasalukuyang porum, na kinabibilangan ng mga pulong, kalakalan ng teknolohiya, paglabas ng mga pangunahing natamong bungang pansiyensiya’t panteknolohiya, mga kompetisyon sa mga modernong larangan, at iba pang aktibidad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio