Sa ilalim ng temang “Open Cooperation for a Shared Future,” binuksan Huwebes, Mayo 25, 2023 sa Beijing ang 2023 Zhongguancun Forum.
Sa seremonya ng pagbubukas, inilabas ang 10 mahahalagang bungang pansiyensiya’t panteknolohiya ng konstruksyon ng International Center for Science & Technology Innovation sa mga aspektong gaya ng blockchain, regenerative medicine at iba pa.
Kasabay nito, mas maraming pandaigdigang organisasyon ng siyensiya at teknolohiya ang nagtatayo ng kani-kanilang punong himpilan sa Beijing.
Kabilang dito ay International Hydrogen Fuel Cell Association (IHFCA), World Robot Cooperation Organization (WRCO), International Coalition of Intelligent Manufacturing (ICIM) at iba pa.
Itatayo ng Beijing ang isang pagtitipun-tipunan ng mga punong himpilan ng pandaigdigang organisasyon ng siyensiya’t teknolohiya, para akitin ang mas maraming pandaigdigang organisasyon, at pasulungin ang ibayo pang pakikisangkot ng nasabing International Center for Science & Technology Innovation sa international network ng inobasyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil