CMG Komentaryo: Walang overcapacity ang Tsina sa bagong enerhiyang kotse

2024-04-24 15:50:21  CMG
Share with:

Kamakailan, nagtatampok ang mga media ng Amerika sa isyu ng overcapacity ng Tsina, lalong lalo na sa mga produktong gaya ng mga bagong enerhiyang kotse.

 

Ayon sa datos, ang output ng mga bagong enerhiyang kotse ng Tsina noong 2023 ay umabot sa mahigit 9.5 milyon at mahigit 1.2 milyong kotse sa mga ito ay iniluwas sa ibang mga bansa.

 

Ibig-sabihin, ang halos 90% ng kakayahan ng pagpoprodyus ng Tsina ay nakaguton sa pangangailangan ng domestikong pamilihan.

 

Para sa ibang mga bansa, kung maisasakatuparan nito ang target ng pagbabawas ng pagbuga ng CO2, kailangan pa nito ang mas maraming bagong enerhiyang kotse.

 

Sa kabilang dako, ang mga bagong enerhiyang kotse ng Tsina ay de-kalidad at kinakailangang produkto para sa naturang mga bansa.

 

Dahil dito, kailangang pataasin ng Tsina ang kakayahan sa pagpoprodyus ng mga bagong enerhiyang kotse at walang di-umano’y isyu ng overcapacity ng Tsina sa bagong enerhiyang kotse.

 

Ang Tsina ay hindi biglaang naging malaking bansa sa pagpoprodyus ng bagong enerhiyang kotse at ito ay bunga ng paghahati ng paggawa sa daigdig at kooperasyong pandaigdig noong mahabang panahon.

 

Halimbawa, nananatiling mahigpit ang kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal, at organisasyon ng pananaliksik ng Tsina at mga bansang Europeo.

 

Sapul noong 2021, magkakasunod na itinatayo ng mga bahay-kalakal ng Europa na gaya ng Mercedes-Benz at Volkswagen Group ang bagong pabrika sa Tsina para palawakin ang kakayahan nito sa pagpoprodyus.

 

Masasabing ang pagkabahala ng mga media ng Amerika sa isyu ng overcapacity ng Tsina ay nagpapakita, walang iba, kundi ng mahinang kakayahan ng mga bahay-kalakal ng Amerika sa bagong enerhiyang kotse.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil