Sesyon ng pirmihang lupon ng punong lehislatura ng Tsina, ipininid

2024-04-26 17:19:01  CMG
Share with:

Ipininid ngayong araw, Abril 26, 2024 sa Beijing ang ika-9 na sesyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.

 

Sa pamamagitan ng pagboto sa pulong ng pagpipinid, pinagtibay ang isang batas sa academic degrees, isang batas sa taripa, at isang kapasiyahan sa pagsusog sa Batas sa Pagpapalaganap ng Teknolohiyang Agrikultural, Batas sa Proteksyon sa mga Menor de Edad, at Batas sa Bioseguridad.

 

Nilagdaan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang tatlong kautusang presidensyal, upang ilabas ang nasabing mga batas at kapasiyahan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil