CMG Komentaryo: NPC at CPPCC, mahalagang praktika ng demokrasyang Tsino

2024-03-11 13:25:35  CMG
Share with:

 

Ang taong 2024 ay ika-70 anibersaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at ika-75 anibersaryo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

 

Ang taunang sesyon ng NPC at CPPCC, na tinatawag ding “Dalawang Sesyon” ay mahalagang plataporma ng pakikilahok at pakikipagtalakayan sa mga pambansang suliranin at ipinakikita rin nito sa mundo ang kasiglahan at kaunlaran ng demokrasyang Tsino.

 

Nitong ilang taong nakalipas, iniharap ng Tsina ang whole-process people's democracy.

 

At ang taunang Dalawang Sesyon ay mahalagang praktika ng prinsipyong ito.

 

Ayon sa estadistika, tinanggap at hinawakan ng mga departamento ng pamahalaang Tsino ang mahigit 12 libong mungkahi at panukala mula sa mga deputado ng NPC at kagawad ng CPPCC noong 2023.

 

Bukod dito, itinatag ng Dalawang Sesyon ang mga tsanel ng ministro, deputado at kagawad para sagutin ang mga tanong hinggil sa mga pambansang patakaran at palawakin ang paraan ng pag-uugnayan at diyalogo sa publiko.

 

Kaya masasabing, ang progreso ng Tsina ay hindi lamang tagumpay ng kabuhayan, kundi kahusayan din ng sistemang demokratiko at pulitikal.

 

Sa 2024 sesyon ng NPC, kauna-unahang isinapubliko ng Tsina ang government work report sa bersyon ng Braille para maigarantiya ang karapatan at kapakanan ng mga bulag.

 

Ang mundo ay dibersipikado at ang pag-unlad ng demokrasya ay hindi lamang landas ng modelong kanluranin.

 

Sa pamamagitan ng taunang Dalawang Sesyon, maaring malaman ng daigdig ang takbo ng demokrasyang Tsino at dahilan ng pag-unlad ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio