Industriyal na benepisyo ng Tsina, lumaki ng 4.3% noong Q1

2024-04-28 15:46:48  CMG
Share with:

Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Estadistika (NBS) ng Tsina, Abril 27, 2024, lumaki ng 4.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon ang benepisyo ng mga pangunahing kompanyang industriyal ng Tsina noong unang kuwarter ng 2024.

 

Binaligtad ng naturang paglaki ang 2.3% pagbaba noong 2023, at ipinagpatuloy ang tunguhin ng paglaki sa magkakasunod na tatlong kuwarter.

 

Samantala, malaki rin ang benepisyo ng sektor ng high-tech.

 

Mula noong Enero hanggang Marso, lumaki ito ng 29.1% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Sa kabilang dako, 18% naman ang benepisyo ng pagmamanupaktura ng kagamitan kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdagn taon, na naging pinakamalaking kontribyutor sa paglaki ng lahat ng industriyal na benepisyo.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio