FM ng Tsina at Bolivia, nag-usap

2024-04-29 17:45:41  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap, Abril 28, 2024 sa Beijing, kay Ministrong Panlabas Celinda Sosa Lunda ng Bolivia, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang taong 2025 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 


Dapat aniyang walang humpay na palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t-isa, pahigpitin ang estratehikong pag-uugnay, at palalimin ang potensyal ng kooperasyon ng dalawang panig sa diyital na ekonomiya at ibang bagong larangan.

 

Aniya, nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng mga bansa ng Latin Amerika at Caribbean na kinabibilangan ng Bolivia, para pasulungin ang pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Latin America.

 

Ipinahayag naman ni Lunda na gagawing mahalagang estratehikong partner ng Bolivia ang Tsina.

 

Umaasa aniya ang kanyang bansa na mapapataas ang lebel ng kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan at iba pang larangan.

 

Matatag na sinusuportahan ng Bolivia ang prinsipyong isang-Tsina, at nakahanda ang Bolivia na aktibong pasulungin ang pag-unlad ng Tsina at Latin Amerika, aniya pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio