Dahil sa kanilang kahanga-hangang papel sa pagtuturo sa mga kabataan upang magsumikap at magbigay ng ambag sa pagtatayo ng isang makabagong sosyalistang bansa, pinarangalan ng Tsina ang 30 indibiduwal at 20 organisasyon.
Sa opisyal na pahayag Abril 29, 2024, inanunsyo ng Komite Sentral ng Communist Youth League (CYL) ng Tsina at All-China Youth Federation (ACYF) ang paggagawad ng “28th China Youth May Fourth Medal.”
Kabilang sa mga indibiduwal na nakatanggap ng gawad ay propesor sa kolehiyo, nakakababang opisyal ng CPC, isang piloto, isang tagadisenyo ng daambakal, isang may-kapansanang atleta, at iba pang mula sa iba’t-ibang antas ng lipunan.
Kasama naman sa mga pinarangalang grupo ay ang koponan ng konstruksyon sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway, internasyonal na medikal na grupo laban sa malaria, at grupong nagpoprotekta sa kultural na relikya sa Dunhuang Academy.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio