Tsina sa Pilipinas, agarang itigil ang mga probakatibong aksyon sa Huangyan Dao

2024-05-01 10:40:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpapaalis Abril 30, 2024 ng China Coast Guard (CCG) sa bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) at opisyal na bapor ng Pilipinas, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Huangyan Dao ay likas na teritoryo ng Tsina.


Sinabi niya na ang buong tigas na pagpasok ng mga bapor ng Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Dao ay grabeng lumalapastangan sa soberanya ng panig Tsino.


Alinsunod sa batas, isinagawa ng CCG ang kinakailangang hakbangin upang paalisin ang mga ito, ani Lin.


Pinapayuhan ng panig Tsino sa panig Pilipino na agarang itigil ang mga probakatibong aksyon, at huwag hamunin ang matatag na determinasyon ng panig Tsino sa pangangalaga sa sariling soberanya, diin niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil