Ipinahayag ngayong araw, Abril 30, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na sa parehong araw, ang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) na may numerong 4410 at opisyal na bapor ng Pilipinas na may numerong 3004 ay nagbulag-bulagan sa pagpayo at alerto ng panig Tsino at buong tigas na pumasok sa katubigan ng Huangyan Dao ng Tsina.
Kaugnay nito, isinagawa aniya ng CCG ang mga kinakailangang hakbangin batay sa batas, gaya ng pagmomonitor, pagbabala sa pamamagitan ng water cannon at pagpigil at pagkontrol para paalisin ang mga bapor ng Pilipinas.
Sinabi ni Gan na ang mga aksyon ng panig Tsino sa lugar ng pinangyarihan ay propesyonal, istandardisado, lehitimo at legal.
Saad pa niya na ang mga aksyon ng panig Pilipino ay nakapipinsala sa soberanya ng Tsina, malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Hinihimok ni Gan ang panig Pilipino na agarang itigil ang mga aksyong nakapipinsala sa karapatan ng Tsina.
Binigyan diin niya na may di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Dao at katubigan sa paligid nito at mayroon ding karapatan sa soberanya at kapangyarihan ng pangangasiwa sa may kinalamang karagatan.
Saad pa niyang patuloy na isasagawa ng CCG ang aksyon ng pangangalaga sa karapatan at pagpapatupad ng batas sa mga karagatan ng Tsina at matatag na pangangalagaan ang soberanya ng teritoryo, at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil
CMG Komentaryo: Tamang pagpili ng Pilipinas ay pagbabalik sa diyalogo at talastasan
Ministry of National Defense: Oppose external interference and muscle flexing in the South China Sea
Pakikialam ng puwersang panlabas at pagyayabang ng lakas sa South China Sea, tinututulan ng Tsina
ASEAN Media Partners "China Up Close" Hainan Tour, sinimulan