CGTN poll: 80.2% Franch respondent, hinahangaan ang impluwensiya ng Tsina sa daigdig

2024-05-02 17:05:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya, isinagawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina sa pamamagitan ng New Era International Communication Research Institute ang isang sarbey sa mga netizen Pranses.

 

Sa 1,513 katao na sumagot sa sarbey, ipinalalagay ng 80.2% na ang Tsina ay bansang may malaking impluwensiya sa daigdig, at sinasang-ayunan naman ng 70.3% na ang Tsina ay isang matagumpay na bansa.

 

Kasabay nito, tinukoy ng 58.8% ng mga respondent na ipinagkakaloob ng napakalaking merkadong Tsino ang malawak na pagkakataon para sa pag-unlad ng mga kompanyang Pranses, at sinabi naman ng 65.8% na kailangang aktibong lumahok ang Pransya sa mga pandaigdigang proyektong pangkooperasyon na itinataguyod ng Tsina.

 

Samantala, optimistiko ang 61.6% ng mga respondent sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pranses sa hinaharap, at ipinalalagay naman ng 65.1% na ang kooperasyon ng Tsina at Pransya sa mga suliraning pandaigdig ay makakatulong sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.


Editor: Liu Kai