Mga sample mula sa misyon ng Shenzhou-17, ibinigay sa mga siyentista

2024-05-02 17:06:33  CMG
Share with:

 

Pagkaraang bumalik sa Mundo ang return capsule ng Shenzhou-17 manned spaceship, inihatid kahapon, Mayo 1, 2024, ang 31.5 kilong sample na dala nito sa Technology and Engineering Center for Space Utilization ng Chinese Academy of Sciences (CAS).

 

Kinuha ang naturang mga sample mula sa 23 eksperimentong pansiyensiya na ginawa sa misyon ng Shenzhou-17 sa kalawakan.

 

Isasagawa ng mga siyentista ng CAS ang pananaliksik sa mga sample na ito.


Editor: Liu Kai