Mga tripulante ng Shenzhou-18, pumasok na sa space station; in-orbit handover, matatapos sa loob ng 5 araw

2024-04-26 16:06:35  CMG
Share with:

Pumasok na Biyernes, Abril 26, 2024 ang tatlong taikonaut ng Shenzhou-18 spaceship ng Tsina sa space station ng bansa, at nagtipun-tipon sila, kasama ng mga tripulante ng Shenzhou-17.

 


Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), magkakasamang mamumuhay at magtatrabaho nang limang araw ang anim na taikonaut, para tapusin ang mga nakatakdang tungkulin at pagrelyebo.

 


Ito ang ika-4 na pagrelyebo sa orbita sa space station ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil