Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), natapos 1:32 p.m., Marso 2, 2024, ang ikalawang extravehicular activity ng mga taikonaut ng Shenzhou-17 na nasa naka-orbitang space station ng Tsina.
Sa loob ng walong oras na extravehicular activity, sa tulong ng mga tauhan sa planetang Mundo, gumawa ng mga nakatakdang tungkulin ang tatlong taikonaut na sina Tang Hongbo, Tang Shengjie, at Jiang Xinlin, at bumalik sila sa space station.
Kinumpuni ng mga taikonaut ang mga solar panel ng core module, at inalis ang mga maliit na epektong dulot ng pagkabangga ng mga maliit na particle sa kalawakan. Pagkaraan ng pagtasa, bumalik sa normal ang punksyon ng mga solar panel.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagmamantena ng mga taikonaut ng kagamitan ng isang naka-orbitang spacecraft sa labas nito.
Sa kasalukuyang extravehicular activity, sinuri rin ng mga taikonaut ang kalagayan ng space station cabin.
Editor: Liu Kai