Pagpasok nang walang pahintulot ng mga bapor ng Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Dao, lumapastangan sa soberanya ng Tsina

2024-05-03 22:32:21  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas tungkol sa pinakahuling pangyayari sa Huangyan Dao noong Abril 30, sinabi Mayo 2, 2024, ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na ang Huangyan Dao ay palaging teritoryo ng Tsina, at di-mapapabulaanan ang soberanya ng bansa sa Huangyan Dao at karagatan sa paligid nito.

 

Anang tagapagsalita, ang pagpasok noong Abril 30 ng mga bapor ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa karagatan ng Huangyan Dao nang walang pahintulot ng panig Tsino ay seryosong lumapastangan sa soberanya ng Tsina.

 

Ginawa aniya ng China Coast Guard ang mga kinakailangang hakbang, para paalisin ang naturang mga bapor, at ang mga operasyon ay propesyonal, rasyonal, makatwiran at lehitimo.

 

Iniharap ng panig Tsino ang solemneng representasyon kapwa sa Beijing at sa Manila sa panig Pilipino, kung saan hinihiling sa Pilipinas na itigil kaagad ang mga aksyon ng probokasyon at paglabag sa mga karapatan ng Tsina, dagdag ng tagapagsalita.


Editor: Liu Kai