Bilang tugon sa pahayag ng National Security Council ng Pilipinas tungkol sa pinakahuling pangyayari sa Huangyan Dao noong Abril 30, sinabi Mayo 2, 2024, ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na walang kinalaman ang insidenteng ito sa mga mangingisdang Pilipino at kanilang mga aktibidad ng pangingisda sa karagatan ng Huangyan Dao.
Tinukoy ng tagapagsalita, na sapul nang magkaroon noong 2016 ang Tsina at Pilipinas ng pansamantalang espesyal na pagkakasundo, walang anumang problema ang pangingisda ng mga mangingisdang Pilipino sa mga nakatakdang bahagi ng karagatan ng Huangyan Dao.
Pero aniya, para sa sariling pulitikal na agenda, itinulak ngayon ng kasalukuyang administrasyong Pilipino ang mga mangingisda sa unang prante ng alitang pandagat, sa pangangatwiran ng umano’y makataong tulong. Lumikha ito ng tunay na kalungkutan, dagdag ng tagapagsalita.
Editor: Liu Kai