Delegasyon ng Hamas, tatalakayin sa Cairo ang tungkol sa tigil-putukan sa Gaza

2024-05-04 17:13:09  CMG
Share with:

Ipinadala ng Hamas ang isang delegasyon sa Cairo, Ehipto, para talakayin ang tungkol sa tigil-putukan sa Gaza Strip.

 

Sinabi kahapon, Mayo 3, 2024, ng isang mataas na opisyal ng Hamas, na pagkaraang dumating, ilalabas ng delegasyong ito ang nakasulat na sagot sa pinakahuling proposal ng Israel tungkol sa tigil-putukan sa Gaza at pagpapalaya ng mga nakakulong.

 

Dagdag ng opisyal, pinag-aralan na ng Hamas ang proposal ng Israel, at ipinangako nitong marating ang isang kasunduang makakabuti sa mga Palestino.

 

Kinumpirma naman ang mga opisyal ng Ehipto ang biyahe ng delegasyon ng Hamas. Anila, makikipagtagpo sa delegasyon ang mga kinatawan ng pamahalaan ng Ehipto, para talakayin ang pinakahuling pag-unlad ng talastasan sa tigil-putukan.

 

Samantala, isiniwalat kahapon ng isang opisyal ng Ehipto, na ibinigay ng Israel sa Hamas ang isang linggo para tanggapin ang panukalang kasunduan sa tigil-putukan, at kung hindi, isasagawa ng Israel ang operasyong militar sa Rafah.


Editor: Liu Kai