Ayon sa pandaigdigang sarbey na inilabas ng China Global Television Network ng China Media Group (CMG-CGTN), hinimok ng 90.05% respondyente ang panig Palestino at Israeli na itigl kaagad ang putukan, upang maiwasan ang mas malubhang makataong krisis.
Samantala, tinukoy ng 93.5% respondyenteng pandaigdig na kailangang sundin ng lahat ng mga panig ang kani-kanilang obligasyon sa ilalim ng pandaigdigang makataong batas, at agarang ihinto ang lahat ng mga karahansan laban sa mga sibilyan.
Palagiang ipinalalagay ng Tsina na isinasabalikat ng United Nations Security Council (UNSC) ang primaryong responsibilidad sa pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
Hinimok nito ang mga bansang may impluwensiya sa may kinalamang panig na igiit ang obdyektibo’t makatarungang paninindigan, at magkasamang gampanan ang konstruktibong papel sa pagpapahupa ng tensyon.
Sang-ayon dito ang 93% respondyente.
Anila, dapat lubos na patingkarin ng UNSC ang papel ng mediyasyon, para mapigilan ang ibayo pang paglala ng sagupaan.
Ang pagkalagda ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa isang foreign aid bill kung saan patuloy na nagkakaloob ng 26 bilyong dolyares na pondong panaklolo sa Israel ay mariing kinondena ng 92% respondyente.
Pananaw nilang dapat itigil ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang pagkakaloob ng sandata sa kapuwa nagsasagupaang panig, at ihinto kaagad ang mga aksyong nagpapasidhi ng kalagayan.
Gayun pa man, ipinalalagay ng 88% respondyente na dapat magkasamang pasulungin ng komunidad ng daigdig ang komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang pagresolba sa isyu ng Palestina.
Ang nasabing sarbey ay inilabas ng CGTN sa mga plataporma ng wikang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.
Sa loob ng 24 oras, sumali rito at nagpahayag ng sariling kuru-kuro ang 11,000 netizen.
Salin: Vera
Pulido: Ramil