Relasyon ng Tsina at Hungary, palagiang umuunlad – pangulong Tsino

2024-05-06 15:18:14  CMG
Share with:

Bumisita, Oktubre 2009 sa Hungarian-Chinese Bilingual School, sa Budapest, Hungary, si Xi Jinping, na noon ay Pangalawang Pangulo ng Tsina.

 


Bago sumapit ang Pestibal ng Tagsibol noong 2023, isang liham ang ipinadala ng mga estudyante ng naturang paaralan kina Pangulong Xi Jinping at kanyang asawang si Peng Liyuan, kung saan, ikinuwento ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral ng wikang Tsino.

Ipinahayag din nila ang kagustuhang mag-aral sa Tsina.

 

Sa kanyang sagot, sinabi ni Xi na ikinatutuwa niya at kanyang asawa ang pagtanggap ng liham.

 


Aniya, ang Tsina at Hungary ay kapuwa may mahabang kasaysayan at kahanga-hangang kultura, matalik na magkaibigan ang mga Tsino’t Hungarian, at mabuti ang pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni Xi, na ikalulugod niyang makita na mag-aral sa mga unibersidad ng Tsina ang mga bata.

 

Sa kasalukuyan, dalawa sa nasabing mga estudyante ang nag-aaral na sa unibersidad sa Beijing.

 


Sinabi ni Xi na ang Hungary ay isa sa mga bansang pinakamaagang nagtayo ng relasyong diplomatiko sa Tsina.

 

Magbago man aniya ang pandaigdigang kalagayan, palagiang umuunlad ang relasyon ng Tsina at Hungary.

 

Tuluy-tuloy na naisusulat ang mga bagong pahina ng pagkakaibigan ng Tsina at Hungary sa pamamagitan ng pagpapalitang kultural, na nagdudulot ng bagong puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag ni Xi.

 

Itinatag noong Setyembre 2004, ang Hungarian-Chinese Bilingual School sa Budapest, kabisera ng Hungary ang tanging pampublikong paaralan na nagtuturo sa kapuwa wikang Tsino at lokal na wika.

 

Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit 530 estudyante.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio