Eksibisyong Tsino na may temang Olimpiyada, binuksan sa Paris

2024-05-07 16:29:13  CMG
Share with:

Binuksan nitong Lunes, Mayo 6, 2024, sa Les Invalides, Paris, ang eksibisyong Tsino na may temang Olimpiyada.

 


Nakatanghal sa eksibisyon ang mahigit 200 likhang sining mula sa Tsina, na kinabibilangan ng mga Chinese ink-and-wash painting, kaligrapiya, oil painting, eskultura, at pamanang kultural.

 

Ang eksibisyon na tinatawag na “From Beijing to Paris: Olympic Tour of Chinese and French Artists” ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG), French National Olympic and Sports Committee, Ligue de Football Professionnel, at ilang organisasyong sining ng Pransya.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng CMG, na ang palakasan at sining ay mahalagang bahagi ng kultura ng tao at umaakma ang kagandahan ng palakasan at sining sa bawat isa.

 

Ang eksibisyon na humihikayat ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Tsina at Pransya ay bukas sa publiko mula Mayo 7 hanggang 8.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil