Artikulo ni Pangulong Xi, inilabas sa media ng Serbia

2024-05-07 15:38:09  CMG
Share with:

Sa bisperas ng dalaw-pang-estado sa Serbia, inilabas Mayo 7, 2024 sa media ng Serbia ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.


Sa kanyang artikulo, tinukoy ni Xi na kahit anuman ang nangyayari sa kalagayan ng daigdig, ang Tsina at Serbia ay palagiang tunay na magkaibigan at mabubuting magkapartner.


Idiniin ni Xi na sa pamamagitan ng pagdalaw niya sa Serbia, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng Serbia, para patingkarin ang matalik na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at makinabang dito ang kani-kanilang mga mamamayan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon. Kasabay nito, pasusulungin din ang kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig at magkatuwang na isusulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.


Umaasa ani Xi na mananatiling matapat at matalik ang pagkakaibigan ng Tsina’t Serbia, palalalimin at palalawakin ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership, babahaginan ang pagkakataon ng pag-unlad, pahihigpitin ang pagkokoordinahan at kooperasyon sa mga pandaigdigang organisasyong gaya ng United Nations, at pasusulungin ang pagpapalitang kultural at tao-sa-tao.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade